
Sa huling araw ng Buwan ng Wikang Pambansa at sa pagdiwang ng ‘National Heroes Day’ ibinabahagi natin, ng Roxas City Government at ng Roxas City Tourism Office ang napapanahong pagdaraos ng ‘BookUsapan @ BookLatan’ ng mga natatanging mga aklat sa Pilipino, Ingles, at Hiligaynon nina SEAWRITE Laureate, Dr. John Iremil Teodoro ng Bienvenido N. Santos Creative Writing Center at ni Palanca Awardee, Dr. Bryan Mari Argos ng Roxas City Tourism Office.
Katuwang natin sa idinaos na ito ang Plantanan Park, Roxas City at maging mga ekspertong tauhan sa mga talakayan sina Dr. Christian George Francisco Acevedo at Dr. Harold O. Buenvenida ng Capiz State University at si Dr. Michelle G. Ong, ng Child’s Academy na nagtapos ng kanyang pag-aaral sa Harvard University. Naging mga kalahok natin ang mga guro at mag-aaral ng St. John College of Roxas City, Child’s Academy, at Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Lungsod ng Roxas.
Sa isinagawang ‘BookUsapan @ BookLatan” ay naging sentro ang inilunsad na panibagong mga aklat nina Dr. Teodoro na ‘Buang sa Pag-ibig’ at ni Dr. Argos na, ‘The Warrior and the Giant’ na parehong inilimbag sa ilalim ng Philippine Writers Series (PWS) at Philippine Translators Series (PTS) ng Likhaan: University of the Philippines Institute of Creative Writing at ng UP Press.
Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa sa ating lahat at Happy National Heroes Day!
